Wednesday, August 17, 2011

TUKO SA BANSANG SINILANGAN

“TUKO SA BANSANG SINILANGAN”
NI: ALLAIZA JOY MAÑALAC



Ang kagubatan ay ang tirahan nito
Ito’y likas na yaman ng ating pulo
Nauubos ito sa handak ng tao
Munting hayop malapit nang maglaho

Ginawang negosyo ng mangangalakal
Huli dito, benta doon ng ilegal
Ito’y gamot daw kaya ginto ang presyo
Tinaguriang aids ang sakit na ito

Mga mangangaso, kayo’y mag-ingat na
Parusang mabigat ay nakalaan na
Sa loob ng preso, kayo’y didiretso
Pagbayaran ang kasalanang natamo

Mga Pilipino, tuko ay ibigin
Ingatan, at pangalagaang mabuti
Kailangan ‘to ng Pinas, ang bansa natin
Kaya wag natin itong lapastanganin

No comments:

Post a Comment